Oral argument sa NCAP kasado sa Disyembre – SC

Oral argument sa NCAP kasado sa Disyembre – SC

September 29, 2022 @ 11:24 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagdesisyon ang Korte Suprema na itakda nang mas maaga ang oral argument sa usapin ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Sa SC enbanc resolution, itinakda sa December 6, 2022 ang oral argument sa halip na sa January 24, 2023.

Inatasan din ng SC na mabigyan ng kopya ng mga petisyun ang MMDA at pinagsusumite ng komento sa loob ng sampung araw.

Bago ang oral argument, magsasagawa ng preliminary conference sa kaso sa Nobyembre 4,2022.

Una nang naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court laban sa pagpapatupad ng NCAP.

Ayon sa SC habang dinidinig ang petisyon ng Kilusan sa Pagbabago ng Industriya ng Transportasyon, Inc. [KAPIT] at isa pang petitioner, inatasan ng korte ang mga kaukulang ahensya na itigil muna ang implementasyon ng NCAP.

Mananatili ang tro hanggat hindi inaalis ng Korte Suprema. Teresa Tavares