Orange warning level, itinaas sa Batangas, Cavite at Bataan

Orange warning level, itinaas sa Batangas, Cavite at Bataan

June 16, 2018 @ 9:06 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Makararanas pa rin ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon kahit nasa labas na ng bansa ang bagyong Ester.

Patuloy pa rin kasi ang paghatak ng Tropical Depression sa hanging Habagat na siyang nagdudulot ng mga pag-ulan.

Sa 8am rainfall advisory ng PAGASA, itinaas ang orange warning level sa Batangas, Cavite, at Bataan kung saan malaki ang posibilidad ng pagbaha.

Nasa ilalim naman ng yellow warning level ang Metro Manila, Bulacan, Pampanga, at Zambales kung saan inaasahan ang pagbaha sa mga mabababang lugar.

Samantala, mararanasan pa rin ang mahina hanggang sa katamtaman na paminsan-minsan ay malalakas na pag-ulan sa Rizal, Laguna, Tarlac, Nueva Ecija, at northern Quezon na posibleng magtagal ng dalawa hanggang tatlong oras.

Pinapayuhan ang publiko at ang lokal na pamahalaan na patuloy na bantayan ang lagay ng panahon at antabayanan ang susunod na advisory ng weather bureau mamayang alas-11 ng umaga.(Remate News Team)