Order of Nat’l Artists iginawad ni Digong sa 8 indibidwal

Order of Nat’l Artists iginawad ni Digong sa 8 indibidwal

June 17, 2022 @ 8:48 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Personal na pinagkalooban ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Huwebes ng Order of National Artists ang 8 personalidad sa sining at kultura.

Iyon nga lamang,  ‘no show’ sa event ang superstar na si Nora Aunor.

Ang mga personalidad na pinagkalooban ng  Order of National Artists sa seremonya sa Palasyo ng Malakanyang ay sina:

  • Marilou Diaz-Abaya (deceased) – National Artist for Film and Broadcast Arts

  • Ricardo ‘Ricky’ Lee – National Artist for Film and Broadcast Arts

  • Gemino Abad – National Artist for Literature

  • Fides Cuyugan-Asensio – National Artist for Music

  • Antonio ‘Tony’ Mabesa (deceased) – National Artist for Theater

No-show si Aunor sa event subalit nandun naman ang kanyang mga anak na sina Ian at Matet de Leon para tanggapin ang kanyang national artist award for film.

Ang Order of National Artists ay kinukunsidera bilang ‘highest honor’ o pinakamataas na parangal sa mga filipino na nakapag-ambag sa Philippine culture and the arts.

Bukod sa titulo,  ang mga national artists ay makatatanggap ng cash grant, monthly life pension, medical at hospitalization benefits, life insurance coverage, state funeral at burial sa Libingan ng mga Bayani at isang pagkilala. Kris Jose