Order sa pag-angkat ng 150K MT asukal ikinatuwa ng Coca-Cola

Order sa pag-angkat ng 150K MT asukal ikinatuwa ng Coca-Cola

September 17, 2022 @ 4:12 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Ikinagalak ng Coca-Cola Beverages Philippines, Inc. ang pag-isyu ng pamahalaan ng Sugar Order No. 2 na nag-uutos sa pag-angkat ng 150,000 metric tons ng refined sugar, sa gitna ng temporary suspension ng operasyon nito sa ilang planta sa buong bansa.

“We are grateful to the government for heeding the industry’s call to import Bottler’s Grade or premium refined sugar. We appreciate the efforts and welcome this step forward as we work across sectors towards a sustainable solution in addressing the country’s sugar situation,” pahayag ng Coca-Cola Philippines.

“We look forward to being able to normalize our bottling operations once we have secured a sufficient supply of Bottler’s Grade sugar,” dagdag nito.

Pansamantalang sinuspinde ng Coca-Cola Beverages Philippines Inc. ang operasyon nito sa Davao; Imus, Cavite; Zamboanga; at Naga City, Camarines Sur sa gitna ng problema sa sugar supply.

Ayon kay Rommin Diaz, External Communications & Sustainability Senior Manager, pansamantala na ring sinuspinde ang operasyon sa kanilang plantasyon sa Bohol at Iloilo.

Batay sa kopya ng order na naka-post sa SRA website at nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang kalihim ng Department of Agriculture at chairman ng SRA board, 75,000 metric tons ang ilalan sa industrial users.

Ang natitirang 75,000 metric tons ay para sa consumers.

Ipinag-uutos sa ilalim ng SO 2 na dapat tiyakin ng sugar traders na kalahok sa import program na ang kanilang allocated volumes ay makararating sa Pilipinas nang hindi lampas sa Nobyembre 15, 2022. RNT/SA