Ordinansa pabor sa mga mangingisda ipinasa sa Aurora

Ordinansa pabor sa mga mangingisda ipinasa sa Aurora

February 22, 2022 @ 10:23 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Nagpasa ng ordinansa ang isang bayan sa Aurora na itinuturing ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources bilang isang modelo para sa iba pang bayang umaasa sa pangingisda.

Ayon sa BFAR, ipinasa ng bayan ng Casiguran sa Aurora ang Ordinance No. 044 s. 2020, o An Ordinance Regulating the Municipal Fishing within the Territorial Waters of Casiguran, Aurora, na naglalayong matugunan ang kakulangan ng suplay at mapanatili ang pinagkakakitaan ng mga magsasaka sa naturang lugar.

Nakasaad sa ordinansa na tanging mga rehistradong mangingisda ang pwedeng bigyan ng special permit ng Office of the Mayor para mangisda sa naturang lugar, subalit kailangang magsumite ang mga ito ng patunay ng pagmamay-ari ng fishing gear, endorsement ng Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council at permit mula sa Municipal Agricultural Office.

Pagkakalooban din ang small and medium scale commercial fishing vessels ng authorization at permit-to-operate sa loob ng 10.1 hanggang 15 kilometro mula sa baybayin ng municipal water subalit kailangang magsagawa ng public hearing, ang CFVs ay hindi mag-o-operate sa lalim na mas mababa sa pitong ‘fathoms’ at naaayon ang fishing methods at gears sa national policies.

Binigyang-diin ni Department of Agriculture Undersecretary for Agri-Industrialization and Fisheries, Cheryl Marie Caballero ang kahalagahan ng pagpapapalakas ng sector ng pangisdaan sa food security ng bansa. RNT