Ordinansa sa tax amnesty pinalawig ng Marikina LGU

Ordinansa sa tax amnesty pinalawig ng Marikina LGU

July 19, 2022 @ 3:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Ikinatuwa ng mga negosyante ang hakbang ng lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Marikina dahil sa pinalawig na Ordinance No. 064 Series of 2022.

Nauna nang titintaan ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang nasabing ordinansa noong ika-9 ng Pebrero taong kasalukuyan sa ginanap na Ninth Marikina City Council.

Sa ilalim ng naturang ordinansa, pinagkakalooban ng pamahalaang lungsod ng 100 percent relief o amnesty sa surcharges at interes ang mga delinquent business taxpayers hanggang sa Hunyo 30.

Kahapon araw ng Lunes ay muling tinintaan ng Alkalde ang City Ordinance No.006 Series of 2022 na papalawigin hanggang sa Disyembre 31, 2022.

Ayon kay Teodoro, layunin ng naturang tax amnesty program na mapalakas pa ang tax collection efforts ng city go­vernment at matulungan ang mga taxpayers na nakakaranas ng problemang pinansiyal lalo na ngayong nananatili pa ang banta ng pandemya.

Sinabi ng alkalde na dahil sa implasyon, ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin ay nagtaasan na at labis itong nagpapahirap ngayon sa mga mamamayan.D

“Dahil alam ko napakahirap ngayon ng negosyo. Napakatumal ng pagtitinda. Kaya nga itong mga ganitong amnesty ay malaki rin naman ang maitutulong nito,” wika ng alkalde. Toto Nabaja