Ordinansang ‘no vax, no entry policy’ ipinatupad ng ilang NCR LGUs

Ordinansang ‘no vax, no entry policy’ ipinatupad ng ilang NCR LGUs

January 5, 2022 @ 11:10 AM 8 months ago


Manila, Philippines  – Inaprubahan na ng ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang ordinansang magbabawal sa mga hindi bakunadong indibidal na makapasok sa mall, restaurant, at pampublikong transportasyon.

Sa Quezon City at San Juan, ipinasa na ang local law na makalalabas lamang ang mga hindi bakunado kung bibili sila ng pangunahing pangangailangan.

Habang ang iba naman LGU tulad ng Caloocan, Pateros, at Marikina ay naghahanda na rin ng ordinansa kaugnay nito.

Maaalalang napagsang-ayunan ng Metro Manila Council na imandato ang pananatili ng lahat sa kani-kanilang bahay. RNT/FGDC