Orientation para sa Government Internship Program sa Navotas umarangkada

Orientation para sa Government Internship Program sa Navotas umarangkada

September 2, 2022 @ 5:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sumailalim sa orientation ang 33 benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP). Sila ay mabibigyan ng pagkakataong makapagtrabaho sa pamahalaang lungsod mula 1 Setyembre hanggang 20 Disyembre ngayong taon at makatatanggap ng P570 kada araw.

Hinikayat ng pamahalaang lungsod na sikaping makapagbigay ng taos-pusong paglilingkod sa kapwa at gamitin ang matututunan upang maging handa sa pagtatrabaho sa hinaharap.

Ang GIP ay programang hatid ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pakikipagtulungan ng NavotaAs Hanapbuhay Center. Jojo Rabulan