Original Apple computer na mismong gawa nina Jobs, Wozniak, nabili ng $400K

Original Apple computer na mismong gawa nina Jobs, Wozniak, nabili ng $400K

November 11, 2021 @ 10:49 AM 2 weeks ago


LOS ANGELES — Naibenta sa halagang $400K ang orihinal na Apple computer na mismong hand-built nina Steve Jobs at Steve Wozniak 45 taon na ang nakalilipas.

Ang functioning Apple-1 ay itinuturing nang great-great-grandfather ng mga Macbooks ngayon.

Tinatawag din itong “Chaffey College” Apple-1. Mayroon lang 200 klase nito na ginawa mismo nina Jobs at Wozniak sa pagsisimula ng Apple Company.

Ang isa pa sa dahilan ng pagka-ibang klase o rare nito ay dahil sa cover nitong koa wood.

Kakaonti na lang sa orihinal na 200 ang natitira sa kasalukuyan. RNT