Orihinal na disenyo ng P1,000 ‘di mapawa-walang halaga- Malakanyang

Orihinal na disenyo ng P1,000 ‘di mapawa-walang halaga- Malakanyang

December 14, 2021 @ 2:30 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Malakanyang na ang bagong P1,000 banknote design na nagpapakita ng Philippine eagle kapalit ng tatlong Filipino war heroes ay para lamang sa test circulation.

“Our P1,000 bill that shows the faces of our heroes and martyrs will not be demonetized,” ayon kay acting presidential spokespersonat Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“This new design with polymer material is only for test circulation,” tugon ni Nograles nang tanungin kung polisiya na ba ng administrasyong Duterte ang burahin o alisin at palitan ang disenyo ng Philippine banknotes.

May ilang mambabatas naman at personalidad ang kinuwestiyon ang bagong disenyo ng P1,000 banknote kung saan inalis sina Josefa Llanes Escoda, Vicente Lim at Jose Abad Santos.

Sina Escoda, Lim at Santos ay pinaslang ng Japanese forces noong World War II dahil sa pagtatanggol sa kalayaan ng Pilipinas mula sa mga mananakop.

Sinabi pa ni Nograles na ang test circulation ng bagong P1,000 bill ay magsisimula sa
Abril 2022.

“The test circulation will be done to validate if the polymer material is environment friendly, more hygienic considering we are still facing a pandemic, or if it is more secure,” anito.

Hindi naman masabi ni Nograles kung kailan ang eksaktong petsa para sa pagpapatupad ng test circulation at kung ang mukha ng tatlong bayani ay maibabalik matapos ang test circulation period.

“The new design for banknotes is cyclical and is done in validating advantages of the polymer material, with the assurance that the existing P1,000 bill with the faces of our heroes will not be demonetized,” ang pahayag ni Nograles. Kris Jose