Orihinal na petsa ng bar exam ‘di mababago – SC

Orihinal na petsa ng bar exam ‘di mababago – SC

November 2, 2022 @ 8:05 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nag-abiso ang Korte Suprema na magpapatuloy sa orihinal na petsang naitakda ang 2022 bar examinations.

“Per SC Spokesperson, Atty. Brian Hosaka: The 2022 Bar Exams will proceed on November 9, 13, 16 and 20 as originally scheduled as announced in Bar Bulletin No. 6, S. 2022,” batay sa kalatas ng Supreme Court Public Information Office.

Matatandaan na nagkaroon ng mga panawagan na iurong ang iskedyul ng paparating na Bar exams dahil sa epekto ng bagyong Paeng na nanalasa sa malaking bahagi ng bansa.

Inaasahan na aabot sa 9,916 ang mga examinees na kukuha ng Bar mula sa orihinal na naaprubahang 10,075 na aplikante. RNT/JGC