OrMin oil spill siniyasat ni DENR Sec. Loyzaga

OrMin oil spill siniyasat ni DENR Sec. Loyzaga

March 8, 2023 @ 11:09 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – NAGTUNGO si Environment Sec. Antonia Yulo-Loyzaga sa Pola Oriental Mindoro para magsagawa ng assessment sa epekto ng oil spill sa naturang lalawigan.

Sinamahan si Loyzaga ni Gov. Bonz Dolor para alamin ang lawak ng pinsala ng oil spill mula sa lumubog na barko sa nasabing probinsya.

Kaugnay nito tiniyak ng Kalihim na nakatutok ang binuong Task Force MT Princess Empress para magsagawa ng imbestigasyon sa insidente.

Kahapon, natunton na ng DENR at Philippine Coast Guard ang eksaktong lugar ng pinaglubugan ng barko.

Inaasahang makakapagsagawa na ng operasyon ang mga awtoridad upang pigilan ang lalo pang paglawak ng oil spill sa karagatan.

Nabatid na walong bayan na sa Oriental Mindoro ang nagdeklara ng state of calamity bunsod ng oil spill.

Kabilang sa mga nasa ilalim ng state of calamity ang mga bayan ng Naujan, Pinamalayan, Gloria, Bansud, Bongabong, Roxas, Mansalay at Bulalacao. Santi Celario