OrMin oil spill umabot na ‘gang Antique

OrMin oil spill umabot na ‘gang Antique

March 4, 2023 @ 1:27 PM 4 weeks ago


Umabot na sa Caluya, Antique ang oil spill kasunod ng paglubog ng MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28.

Ayon sa  Philippine Coast Guard (PCG) District Western Visayas, ngayong araw ay  na-monitor ang oil spill sa baybayin ng  mga sumusunod na barangay sa Caluya:

1) Sitio Sabang, Brgy. Tinogboc (1km)

2) Liwagao Island, Brgy. Sibolo (2km)

3) Sitio Tambak, Brgy. Semirara (2km)

Sa mga oras na ito, isinasagawa na ang shoreline clean-up sa mga apektadong lugar.

Samantala, ayon sa LGU ng Liwagao Island, humigit-kumulang 600 residente o 150 pamilya ang apektado ng nasabing insidente.

Ayon sa  PCG ang iniulat kahapon na 2-3 km na oil spill ay resulta ng aerial survellaince sa bisinidad baybayin ng Balingawan na isinagawa nitong Biyernes.

Nagpapatuloy pa rin ang recovery at clean up ng PCG sa oil spill Kung saan nagbayanihan na rin ang mga residente sa mga apektadong lugar upang tumulong na maalis ang mga kumalat na langis sa kanilang baybayin. Jocelyn Tabangcura-Domenden