Ormoc, Butuan sapul ng landslide!

Ormoc, Butuan sapul ng landslide!

February 20, 2023 @ 7:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Naiulat ang pagbaha at landslide sa ilang lugar sa Ormoc at Butuan City, kasunod ng pag-ulan sa Visayas at Mindanao dahil sa low-pressure area.

Nakapag-ulat ng dalawang araw na landslide sa gilid ng Panalian River, kung saan kasalukuyang nagsasagawa ng clearing operations sa mga apektadong kalsada, ayon sa ulat.

Naiulat din ang pagguho ng lupa sa Barangay De Oro sa Butuan City, na nag-iwan ng debris sa ilang daan.

Nagkasa rin ng clearing operations sa mga kalapit na lugar, kung saan ilang indibidwal ang napilitang lumikas dahil sa baha.

Iniugnay ng state weather bureau PAGASA ang pag-ulan sa low-pressure area sa silangan ng Tacloban, Leyte. RNT/SA