Ormoc City hall niyanig ng bomb scare

Ormoc City hall niyanig ng bomb scare

December 8, 2022 @ 9:50 AM 2 months ago


ORMOC – Binalot ng takot ang New Ormoc City Hall kasunod ng bomb scare mula sa hindi pa kilalang tao alas-2:30 ng hapon, noong Miyerkules, Disyembre 7.

Sinabi ni Col Nelvin Ricohermoso, chief of the Ormoc City police, na nakatanggap ang isang empleyado ng city hall ng pananakot mula sa isang text message.

“Asalam alaikum s loob ng isang oras may sasabog jan sa City Hall. May nilagay kami na bomba jan,” saad dito.

Sinabi ni Ricohermoso na agad niyang inutusan ang mga empleyado na lisanin ang kanilang mga opisina, sinabing hindi basta-basta ang pagbabanta ng lokal na pulisya.

Ininspeksyon ng mga K9 dog at mga miyembro ng Explosive and Ordnance Disposal Specialist ng Ormoc City Police Office ang mga opisina ngunit walang nakitang pampasabog.

Sinabi ni Ricohermoso na gumamit ng prepaid card ang nagpadala ng bomb threat na maaaring ihagis pagkatapos gamitin. RNT