Ormoc City target ni Goma gawing entertainment capital

Ormoc City target ni Goma gawing entertainment capital

December 20, 2022 @ 9:00 AM 2 months ago


ORMOC CITY- TARGET ngayon ng Ormoc City na maging entertainment capital sa rehiyon ng Eastern Visayas matapos makapagtanghal ng ilang konsyerto sa nasabing lungsod.

Ayon kay actor-turned-politician, Leyte 4th district Representative Richard Gomez, nakapagbuo na sila ng kanilang mga concert wish list.

Aniya, nito lamang Disyembre 11, matagumpay ang ginanap na concert ni Martin Nievera sa lungsod, pagkatapos saksihan ang giant tree lighting ceremony na dinaluhan ng humigit 50,000 katao.

Sinabi ni Gomez, pinaplano niyang mag-imbita ng higit pang mga artista para sa mga susunod na gaganapin entertainment.

Ilan sa mga ito ay ang Eraserheads band at television host na si Vice Ganda sa susunod na taon para aliwin ang mga residente at bisita.

“Ang Ormoc ay nakakakuha na ngayon ng lugar bilang entertainment capital sa rehiyon dahil ang lungsod ay nakapagtanghal ng mga konsyerto at mga kaganapan,” ani Gomez.

Kabilang mga nakapagtanghal sa lungsod ay sina Asia’s song bird Regine Velasquez, ang kanyang asawang si Ogie Alcasid, Rey Valera, at iba pang bituin sa industriya ng entertainment.

Ginanap ang mga konsyerto sa Ormoc City Stage o Ormoc Superdome na kayang okupahan ng higit sa 80,000 music lovers.

Ang Ormoc ay isang first-class independent component city sa Eastern Visayas na may populasyon na 230,998 noong 2020./Mary Anne Sapico