Osaka palalayasin sa French Open

Osaka palalayasin sa French Open

May 31, 2021 @ 9:26 AM 2 years ago


FRANCE – Umusad na sa ikalawang round ng French Open si Naomi Osaka subalit nangangamba ang mga fan na baka patalsikin ito sa torneo dahil sa ginawang pag-isnab sa media.

Tuluyan nang umabanse si Osaka sa susunod na round matapos gibain si  world number 63 Patricia Maria Tig ng Romania sa score na 6-4, 7-6 (7/4).

Bago magsimula ang torneo ay sinabi ng Japanese tennis star hindi ito haharap sa media o magbibigay ng anomang pahayag dahil nakaapekto ito sa kanyang mental health.

Bunsod ng ginawang pahayag, agad itong pinatawan ng multang $20,000 at may posibilidad pang tanggalin ito sa palaro. Rico Navarro