Otonomiya sa edukasyon, hiniling ng Bangsamoro Communities Outside Bangsamoro Territory

Otonomiya sa edukasyon, hiniling ng Bangsamoro Communities Outside Bangsamoro Territory

July 6, 2018 @ 1:02 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nanawagan ang Bangsamoro Communities Outside Bangsamoro Territory saĀ Bicamiral Committee sa Senado at Kamara na magkaroon ng tunay na otonomiya sa edukasyon sa pamamagitan ng pagbabalik ng ilang probisyon na tinanggal sa Bangsamoro Transition Commission.

Sinabi ni Bangsomoro President Allan Balangi sa ginanap na presscon sa Maynila na nais ng kanilang grupo na maibalik ang una nang inalis at binago sa probisyon.

Kasama aniya dito angĀ 58th exclusive power sa Bangsamoro.

Dapat din aniyang bigyan sila ng kapangyarihan para magkaroon sila ng tunay na otonomiya para sa edukasyon.

Ayon pa kay Balangi, maaaring sumali ang mga kadikit na lugar kung sasama sila sa Bangsamoro Govt. Public Order and Safety na magkaroon ng sarilingĀ police ang Bangsamoro.

Matatandaan na mayroong 33 bilyon pisong pondo sa loob ngĀ isang taon sa ARMM pero ang kanilang hinihingi ay 55 bilyong piso o 5 percent ng kabuuang budget ng gobyerno.

Magkakaroon naman ng motorcade ang grupoĀ sa darating na LunesĀ sa Senado at KongresoĀ upang hikayatin ang mga Kongresista na ikonsidera ang kanilang mga kahilingan.

Giit ng grupo na dapat palakasin ang otonomiya ng ARMM lalo na sa larangan ng edukasyon dahil nakasalalay dito ang kinabukasan ng mga kabataan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)