Our Lady of Fatima Parish sa Davao nasunog!

Our Lady of Fatima Parish sa Davao nasunog!

March 5, 2023 @ 4:43 PM 3 weeks ago


Napinsala ng sunog nitong Linggo ng umaga ang Our Lady of Fatima Parish sa Aurora Quezon Street ng Davao City.

Ayon sa Davao City Fire District, sumiklab ang sunog malapit sa altar ng simbahan dakong 1:49 a.m.

Base sa inisyal na imbestigasyon na may kinalaman sa kuryente ang sunog.

Sa kabila ng pinsala, ipinagdiriwang pa rin ang mga misa sa labas ng simbahan. RNT