Outbreak sa Borongan City sa HFMD

Outbreak sa Borongan City sa HFMD

March 13, 2023 @ 6:25 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Apektado na ng hand, foot, and mouth disease (HFMD) ang 33 barangay sa Borongan City, Eastern Samar dahilan para ideklara na ang outbreak ng sakit sa naturang lungsod.

Sa impormasyon, umakyat na sa 154 ang apektado ng HFMD nitong Marso 10, isang araw matapos ideklara ang outbreak, mula sa dating 95 kaso lamang dalawang araw bago nito.

“Communities and the general public must comply with minimum public health standards and non-pharmaceutical interventions as may be enforced for diseases spread by droplets and direct contact,” ayon kay Daisy Sacmar, city health office chief, sa pahayag niya nitong Lunes, Marso 4.

Ani Sacmar, ang mga apektadong barangay ay ang Taboc, Cabong, Campesao, Canlaray, Tabunan, Cabalagnan, Purok District 1, Bato, Lalawigan, Balud, Sta. Fe, Ando, Bugas, Songco, Libuton, Hindang, San Mateo, Maypangdan, San Saturnino, Calingatngan, Calico-an, Can-abong, Canjaway, Purok A, Sabang North, Amantacop, Bayobay, San Jose, Tamoso, Purok H, Purok G, San Gabriel at Purok District 2.

Sobra na sa kalahati ng 61 barangay sa lungsod ang may kaso ng HFMD.

Ang sakit na ito ay lubhang nakahahawa lalo na sa mga bata at mga sanggol, bagama’t hindi nakamamatay ay maaring magdulot sa mas malubhang sakit katulad ng meningitis, encephalitis, at polio-like paralysis kung hindi maaagapan.

Karaniwang naipapasa ang sakit sa direct contact mula sa sipon, laway o kontaminadong gamit ng infected nito. RNT/JGC