‘Outdated, pricey’ laptops probe ipinag-utos ni VP Sara

‘Outdated, pricey’ laptops probe ipinag-utos ni VP Sara

August 15, 2022 @ 5:33 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte ang imbestigasyon sa  2021 procurement ng umano’y “overpriced and outdated laptops” sa pamamagitan ng Department of Budget and Management Procurement Service (PS-DBM), ayon sa DepEd nitong Lunes.

Sa isang press conference, sinabi ni DepEd Undersecretary Epimaco Densing na nagsumite ang departamento nitong Lunes ng fraud audit request sa Commission on Audit sa laptop issue.

“Since most of the information is beyond us, considering that these are PS-DBM transactions, and considering that these were transactions done by the previous officials, the Vice president and Secretary Sara Duterte has already permitted us to write a letter to Atty. Jose Calida, Chairperson of COA, to ask him for a fraud audit from COA,” aniya.

Batay sa 2021 audit report, sinita ng COA ang DepEd sa pagbili ng P2.4 bilyong halaga ng mga laptop sa pamamagitan ng PS-DBM kahit na mayroon naman umanong mas mainam at ams murang pagpipilian.

“Isa sa pinaka-importanteng proseso ng pag-procure ay ‘yung tinatawag nating market scanning. Ibig sabihin nito, kapag nagpo-procure ka, bago bumili, kailangan ang ahensya, in this case, PS-DBM, kailangan nagtatanong sa merkado kung magkano ba itong laptop na ito na ganito ang specification. Nung bumalik sila sa Technical Working Group, inilabas itong presyo na P58,000,” sabi ni Densing.

“The reason why we’re asking COA for a fraud audit is the reason why it was downgraded from 1.9 gigahertz to 1.8 gigahertz, and at the same time tumaas din ‘yung presyo [why the price increased], and why is it IntelCeleron because we were very specific in the specifications of the laptop,” patuloy niya.

Iginiit niya na hindi matukoy ng DepEd kung mayroon anomalya sa pagbili ng laptops hangga’t hindi sinasagot ng PS-DBM ang mga alegasyon.

“Nung nalaman namin ‘yan, nakakaramdam din kami ng galit kung sakaling totoo ‘yan at ayaw namin itong mangyari. Kaya ang direktiba sa’min ni Secretary Sara na paimbestigahan niyo na ‘yan para makita kung may iba pang kalokohan o wala,” paglalahad ni Densing.

Sinabi pa ni Densing na simula ngayon, bibili ang DepEd ng mga gamit nito sa pamamagitan ng sarili nitong Procurement Service Team. RNT/SA