Outgoing DND Sec. Delfin Lorenzana, pinarangalan ng AFP

Outgoing DND Sec. Delfin Lorenzana, pinarangalan ng AFP

June 29, 2022 @ 5:39 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinarangalan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng isang testimonial parade si outgoing Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana.

Pinangunahan ni AFP Chief of Staff General Andres Centino ang pagbibigay pugay kay Lorenzana na isinagawa ngayong araw sa Camp Aguinaldo.

(Source: AFP Facebook page)

Ito ay bilang pagkilala sa suporta ni Lorenzana sa mga programa at proyekto ng AFP sa nakalipas na anim na taon niyang pamumuno sa DND.

Kabilang dito ang AFP modernization program at pagsasanay sa mga sundalo sa paggamit ng mga modernong kagamitan.

Kinilala rin si Lorenzana dahil sa mahusay niyang pamumuno noong panahon ng giyera sa Marawi City at pagtugon sa COVID-19 pandemic.

“The SND was also on top of the pressing need to ensure that our personnel would have the technical proficiency to utilize the modern assets and equipment to the fullest,” saad ng Chief of Staff.

“Today, the AFP can say we have better workspaces, living quarters, medical health facilities, and road networks, all of which means a stronger, more productive, and more responsive AFP,” dagdag niya.

Nagpasalamat naman si Lorenzana sa lahat ng kanyang mga nakasama at naka-trabaho mula sa panahong siya ay kadete sa Philippine Military Academy.

Inilarawan din niya ang kanyang panahon sa militar at sa DND bilang “exciting, challenging, at personally rewarding journey.”

“I couldn’t have achieved what I have done or reached this high, this far, without the help, assistance, and mentorship of so many people along the way,” saad ni Lorenzana sa kanyang talumpati.

“Of course, it is also because I belong to a very professional organization – the Armed Forces of the Philippines. I have no regrets, I have fought the good fight. It was all an exciting, challenging, and personally rewarding journey,” dagdag niya. RNT/ JCM

(Source: AFP Facebook page)