Outgoing DOH chief, ‘di na babalik sa gov’t service pagbaba sa pwesto

Outgoing DOH chief, ‘di na babalik sa gov’t service pagbaba sa pwesto

June 28, 2022 @ 5:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni outgoing Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na wala na siyang planong bumalik sa serbisyo ng gobyerno matapos ang kanyang panunungkulan bilang pinakamataas na opisyal ng kalusugan ng bansa.

Aniya, 21 taon ng kanyang produktibong taon ay nilaan sa paninilbihan sa gobyerno sa taong-bayan.

Sinabi ni Duque na hindi niya pinagsisisihan ang pagsisilbi bilang DOH chief dahil bumuti na ang sitwasyon ng bansa sa Covid-19.

Binanggit ng kalihim na karamihan sa mga lugar sa bansa ay nasa Alert Level 1 na ngayon, nakapagpabakuna ang gobyerno ng higit sa 70 milyong indibidwal, at ang mga Pilipino ay mahigpit na sumusunod sa mga health protocol, partikular sa pagsusuot ng face mask.

Giit niya, napagtagumpayan naman kahit papaano ang COVID.

Sa pagtatapos ng kanyang termino sa June 30, sinabi ni Duque na babalik Ito sa pagtuturo.

“Magpapahinga ako sandali tapos babalik ako sa educational, sa academe… Oo, magtuturo ako at subukan kong palawigin yung universal health care sa medical and allied medical courses”, anang kalihim.

Muli namang binanggit ni Duque na dapat may karanasan sa COVID-19 response ang susunod na kalihim ng kalusugan. Jocelyn Tabangcura-Domenden