Outgoing Regional Director Dr. Shin Young-Soo, pinuri ng WHO health ministers

Outgoing Regional Director Dr. Shin Young-Soo, pinuri ng WHO health ministers

October 8, 2018 @ 1:16 PM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Dahil sa matagumpay na pamumuno sa World Health Organization (WHO) pinapurihan ng mga kasapi nito sa Western Pacific Region si outgoing Regional Director Dr Shin Young-soo.

Si Dr. Shin ay pinasalamatan din ng mga health minister sa kanyang mga inambag sa pandaigdigang kalusugan at proteksiyon ng mahigit na pitong bilyong populasyon sa buong mundo pangunahin dito ang universal health care.

Ayon sa mga heath minister, hindi madali ang naging tungkulin ni Dr. Shin na tiyaking protektado ang kalusugan ng mga mamamayan sa daigdig ngunit ito anila ay napagtagumpayan ng opisyal.

Ilang bansa rin ang nagsabi ng mga kinaharap na epidemiya ngunit naging mahusay na partner anila ang WHO particular si Dr. Shin na personal na dumadalaw sa kanilang bansa.

Binati naman ni Health Secretary Francisco Duque III ang natatanging pamumuno ni Dr. Shin at ang naging pag-agapay nito sa panahon na dumanas ng kalamidad ang bansa sa nakaraang bagyo gaya ng Yolanda.

Sa huli, tiniyak ng mga health minister na itutuloy ang buong suporta sa mga nakalatag na programa ng WHO Western Pacific Region.

Ang Regional Committee ng WHO Western Pacific Region ay nagsasagawa ng ika-69 na session dito sa lungsod ng Maynila na nagsimula ngayong araw, Oktubre 8 at magtatapos sa Oktubre 12, 2018.

Pipiliin din ang magiging kapalit ni Dr. Shin bilang Regional Director ng WHO Western Pacific na maglilingkod sa susunod na limang taon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)