Outgoing Tourism chief Puyat, uupong BSP deputy governor – Diokno

Outgoing Tourism chief Puyat, uupong BSP deputy governor – Diokno

June 1, 2022 @ 6:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Itinalaga si outgoing Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat bilang deputy governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ito ang kinumpirma ni BSP Governor and incoming Finance Secretary Benjamin Diokno, araw ng Miyerkules.

“Confirmed,” ayon kay Diokno.

Hindi naman na nagbigay pa ng karagdagang detalye si Diokno sa kung anong sektor ang pangungunahan ni Puyat bilang deputy governor.

Makakasa na ang outgoing Tourism chief sa roster ng deputy governors ng BSP na in-charge sa specific sectors gaya nina Francisco Dakila Jr. para sa monetary and economics, Chuchi Fonacier para sa financial supervision, Eduardo Bobier para sa corporate services, at Mamerto Tangonan para sa payments at currency management.

Samantala, pinili ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Liloan Mayor Christina Frasco bilang susunod na kalihim ng Department of Tourism.

Si Frasco ay siya ring spokesperson ni Vice President-elect Sara Duterte simula pa noong July 2021, noong Davao City mayor pa ang huli.

Inanunsyo ito ni incoming Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Lunes, Mayo 30.

Papalitan ni Frasco si outgoing DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat.

Tiniyak naman ni Puyat na handa ang transition team ng DOT na i-brief ang bagong Tourism secretary para sa “smooth turnover”. Kris Jose