Outreach program para sa mga kabataang may bingot, dinala ng PCOO sa Marawi City

Outreach program para sa mga kabataang may bingot, dinala ng PCOO sa Marawi City

July 17, 2018 @ 2:43 PM 4 years ago


 

Marawi City – Binitbit ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang outreach program partikular na ang surgical program sa Marawi City.

Sinabi ni PCOO Sec. Martin Andanar na maraming pangangailangan ang mga kabataan doon lalo na iyong may problema sa kanilang palate o bingot.

“Meron din ibang mga procedures na ginawa bukod doon. So, it was a good outreach program,” ani Sec. Andanar.

Bukod dito, binisita rin ni Sec. Andanar ang mga kabataan na biktima ng Marawi siege.

Ani Sec. Andanar, hindi pa aniya nakakabalik ang lahat ng pamilya sa kani-kanilang naiwang tahanan o lugar na tinawag na war zone.

“kasi siyempre hindi pa tapos iyong paglilinis, pagpapagawa ng mga bahay, etcetera. So, we went there on a medical mission… habang nagbo-boxing sila Manny Pacquiao,” ang natatawang pahayag ni Sec. Andanar.

Samantala, hindi naman na aniya siya sumama kay Pangulong Duterte sa Kuala Lumpur, Malaysia dahil talagang trabaho ang kanyang prayoridad at ang biyahe aniya ng Chief Executive sa nasabing bansa ay sariling byahe nito. (Kris Jose)