Outsiders’ dahilan ng sigalot sa pagitan ng Pinas at China — Chinese envoy

Outsiders’ dahilan ng sigalot sa pagitan ng Pinas at China — Chinese envoy

July 15, 2022 @ 12:02 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isiniwalat ni Huang Xilian, Chinese ambassador to the Philippines na may ilang “outsiders” na hindi mula sa Asya ang nagtatangka na gumawa ng gulo sa pagitan ng dalawang bansa upang ipakita ang kanilang sariling geopolitical interests.

Ani Huang Xilian, “in Asian culture, outsiders should promote peace and facilitate dialogue,” but such outsiders apparently “do not behave this way.”

Ang tanong ni Huang Xilian “what is their true intention?” na aniya’y ang mga bansang pilit na gagawa ng gulo ay “try every means to fan the flame and drive wedge.”

Wala namang binanggit na kahit na anumang usapin si Huang na pinost niya sa kanyang Facebook, nagpahayag naman ng suporta ang Estados Unidos, Canada, Australia at France sa Pilipinas sa posisyon nito na may kaugnayan sa pinag-aagawan at pinagtatalunang South China Sea.

Sa pagsuporta sa Pilipinas, tinukoy ng mga nasabing bansa ang Award sa South China Sea Arbitration may anim na taon na ang nakalilipas at maging ang international law sa United Nations Convention on the Law of the Sea.

“Do they really care about the welfare of the Filipino people and regional peace and stability? I am afraid not. Rather, they have their own geopolitical interests to serve,” ayon Kay Huang.

Sinabi pa ni Huang na binigyang-diin ni Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi, sa kamakailan nitong pagbisita sa Pilipinas na “stressed that China and the Philippines should make joint efforts to be good neighbors, good relatives and good partners.”

“[A]nd the only right path for the bilateral relations is to adhere to good-neighborliness and friendship and deepen mutually beneficial cooperation. Both sides have agreed to properly handle differences from a strategic and overall perspective, putting them in a proper place in bilateral relations,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose