Overcrowding makapagpalolobo ng COVID-19 cases – OCTA   

Overcrowding makapagpalolobo ng COVID-19 cases – OCTA   

December 5, 2020 @ 2:45 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Posibleng muling makapagtala ng higit 1,000 kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kada araw s Metro Manila ngayong sasapit ang holiday kung hindi mapatutupad at masusunod ang health protocol.

Batay kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, malaki ang ipinagbago ng Metro Manila sa bilang ng kaso ng COVID-19.

“Nung August, yung average cases natin sa Metro Manila 2,000 per day mahigit. Ngayon 400 per day. Ang laki na ng binaba natin from 2,000 to 400. Malaking improvement yan,” saad ni David.

 “Ang iniiwasan natin magka-increase tapos bumalik tayo sa 2,000 cases per day. Ang ini-expect namin, kahit magka-surge ngayon, baka umabot siya ng mga 800-1,000 cases per day sa Metro Manila, kaya pa naman yan,” lahad pa nito sa isang panayam.

Dahil sa papalapit na Kapaskuhan, mas marami ang dumadagsa sa mga mall para makapamili maging sa Divisoria.

“Overcrowding kasi ang ating binabantayan.”

 “Kaya gusto natin bantayan, medyo i-limit paglabas ng mga minors at saka seniors. Hindi naman natin sinasabing wag na wag na silang lumabas pero ilimit natin,” lahad pa ng eksperto.

“Pag sumusunod tayo sa mga patakaran, sa mga protocols and guidelines na ibinibigay ng government at Department of Health kumakaunti ang bilang ng kaso. Kaya ngayon mas maluwag na tayo kaya mas afford na nating pwede na tayong lumabas kasi mga hospitals di na rin sila ganung kapuno ngayon.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...