Overdosed Demi Lovato, nagpapagaling na!

Overdosed Demi Lovato, nagpapagaling na!

August 6, 2018 @ 9:14 AM 4 years ago


 

Los Angeles – Nagpasalamat sa binigay na bagong buhay ang Pop star na si Demi Lovato matapos siyang ma-overdose magdadalawang linggo na ang nakakalipas.

Nag-post ang singer sa kaniyang Instagram, may mahigit sa 70 million followers, kung saan nagbigay siya ng ibang detalye sa nangyari noong July 24, araw nang matagpuan siyang walang malay sa kaniyang bahay.

“What I’ve learned is that this illness is not something that disappears or fades with time,” ayon sa post ng 25-year-old na singer.

“It is something that I must continue to overcome and have not done yet.”

“I want to thank God for keeping me alive and well,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Lovato na siya ay “forever grateful” para sa walang humpay na suportang pinaparating ng kaniyang fans at pati na rin sa mga staff ng Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles na siyang nagsalba sa kaniyang buhay.

Humingi naman ng oras para magpagaling si Lovato at nagpahayag na maaring hindi muna siya magpakita sa publiko.

“I now need time to heal and focus on my sobriety and road to recovery,” sabi niya.

Bukas ang singer sa kaniyang bisyo ng pag-inom at pagamit ng cocaine. Noong 2017, sa isang YouTube documentary na “Simply Complicated,” nagsalita si Lovato tungkol sa kaniyang pinagdadaanang eating disorders, bisyo sa alak at paggamit ng droga. Sinabi rin niya na nagsimula siyang gumamit ng cocaine noong siya ay 17-anyos pa lang.

Pumasok din siya sa rehab noong siya ay 18-anyos kung saan siya ay na-diagnose sa bipolar disorder.

Naging usap-usapan din sa social media ang kalagayan ng singer kung saan nagpahayag ng suporta ang mga fans at iba pang celebrity.

Ayon sa tweet ni Country singer Brad Paisley, “Addiction is a terrible disease. There is no one more honest or brave than this woman.” Remate News Team