Overeem, Dos Santos sinibak sa UFC

Overeem, Dos Santos sinibak sa UFC

March 5, 2021 @ 9:59 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

UNITED STATES – Tuluyan nang binitiwan ng UFC ang dalawang legends na sina Alistair Overeem and former UFC heavyweight world champion Junior dos Santos.

Ito’y matapos malasap ni Overeem (47-19), dating Strikeforce at Dream heavyweight champion, ang pagkatalo via second-round technical knockout kontra kay Alexander Volkov noong isang buwan.

Una itong naglaro sa world’s premier mixed martial arts organization noong 2011 sa UFC 141 kontra kay ex-UFC heavyweight champ Brock Lesnar kung saan nagwagi ito via first-round stoppage.

Samantalang si Dos Santos ay binitiwan ng UFC matapos malasap ang apat ng sunod-sunod na pagkatalo via technical knockout.

Huli itong lumaban kontra kay Ciryl Gane sa UFC 256 noong December kung saan natalo ito via 2nd round knockout.

“Thanks UFC for a great 12 years! I fought through MMA’s Murderer’s Row to get my shot at the belt. Holding and defending it was one of the great honors of my life,” ani Dos Santos (21-9) sa Instagram.

“Thanks to every opponent, thanks to every fan and every critic. I’m going to spend some time back at the drawing board, but I’m excited to move on.”

Hindi pa nagsasalita ang dalawang fighters kung itutuloy nila ang kanilang fighting career matapos bitiwan ng UFC. Rico Navarro


  •  
  •  
  •