Overpriced generation rates tatalupan ng ERC

Overpriced generation rates tatalupan ng ERC

December 8, 2022 @ 6:55 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naglungsad ng imbestigasyon ang Energy Regulatory Commission (ERC) ukol sa “accuracy and reasonableness” ng mga generation rate na ipinapasa ng mga distribution utilities (DU) ang bayad sa kanilang mga kustomer sa gitna ng kamakailang pagtaas ng singil sa kuryente.

Sinabi ng ERC na iimbestigahan nito ang mga private utilities (PUs) at electric cooperatives (EC) sa bansa at ang kani-kanilang power suppliers sa ilalim ng kanilang Power Supply Agreements (PSAs) matapos makatanggap ng maraming reklamo mula sa mga consumer.

“In the course of ERC’s monitoring of monthly submissions from PUs/ECs of their generation charges, we have identified the need to conduct a more thorough validation of the passed-on or pass-through charges under certain PSAs,” ani ERC Chairperson and CEO Monalisa Dimalanta.

Nauna nang nagpalabas ang ERC ng 63 na liham noong Miyerkules sa mga PU, EC, at kani-kanilang PSA counter-party, para malinawan ukol sa singil.

“Based on the findings, the DUs will not only be required to refund the excess amounts collected but may also be imposed appropriate penalties when warranted,” anang komisyon.

Ang ERC ay may kapangyarihang mag-imbestiga o kumilos laban sa sinumang manlalaro sa sektor ng enerhiya para sa mga paglabag sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA). Inaatasan din itong tiyakin ang transparency at makatwirang presyo ng kuryente. RNT