Overpricing ng PPE, panghihiya lang sa gobyerno

Overpricing ng PPE, panghihiya lang sa gobyerno

September 22, 2020 @ 5:30 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nais lamang hiyain ni Senadora Risa Hontiveros ang pamahalaang Duterte kaya pinalulutang diumano nito ang walang basehang overpricing sa mga biniling personal protective equipment (PPE).

Binigyang diin ito ni Anakalusugan Party list Rep. Mike Defensor sa pagsasabing “her (Hontiveros) accusations of ‘overpricing’ against the Department of Budget and Management (DBM) for the purchase of) are baseless and a mere ‘smokescreen’ to hide overpricing during the previous administration.”

Layunin aniya nito ay manatiling nakatago ang aniya’y pagkukulang at mga anomalyang naganap diumano sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

“I think the ‘Yellows’ are trying to shame the Duterte administration to keep the opposition’s own shortcomings in flagging anomalous transactions during the term of former President Noynoy Aquino.”

Inihalimbawa ni Defensor na ang administrasyong Aquino sa ilalim ng Department of Health ay bumili ng PPEs mula sa Rebmann, Inc. sa halagang P3,500.00 bawat set noong September 2015 na muling nasundan noong 2016 ng katulad na walong pirasong PPE set sa halagang P3,864 bawat set.

Lahad pa nito, ang presyong ito ay hindi hamak na mataas o 97 porciento hanggagn sa 118 na porciento ang taas gayung sa gitna aniya ng pandemya ay bumili ang DBM ng katulad na PPE sets sa halagang P1,773.51 kada set.

“Senator Hontiveros questions the alleged P200 overprice without proof, but she’s tight-lipped when her colleagues in the former administration bought PPEs at twice today’s prices,” giit pa ni Defensor.

Ibinasura rin ng kongresista ang akusasyon ni Hontiveros na nalugi diumano ang gobyerno ng P1 bilyong pera ng bayan dahil sa pagbili ng PPEs mula sa mga  Chinese companies.

“Claims of overpricing are untrue. At the time of DBM’s questioned purchases between March and May this year, the Philippines and the whole world were in panic mode. Each country was scrambling for PPEs and facemasks and were fighting over limited supply. Even first world countries like the United States and Great Britain didn’t have enough protective gear for their frontliners.”

Naunang sinabi ni Hontiveros na ang mga Chinese PPEs ay mas mahal diumano ng P200 kumpara sa halaga ng PPE ng  Philippine General Hospital na nagkakahalaga ng mula  P1,200 hanggang P1,500.

“As the contagion spread and our frontliners were falling ill or dying due to lack of protection, government had to think and act fast. It’s no secret that between March and May 2020 there was extremely high demand for PPEs. As the epicenter of COVID-19 at that time, China itself was prioritizing its needs over other countries. Following the law of supply and demand, it was expected that prices of protective gear would go through the roof. Since it was a seller’s market, governent had no choice but to bite the bullet,” ayon kay Defensor.  (Meliza Maluntag)


  •  
  •  
  •  

Loading...