Overpricing sa traktora, pinabulaanan ng PhilMech sa Senate hearing

Overpricing sa traktora, pinabulaanan ng PhilMech sa Senate hearing

September 12, 2022 @ 6:44 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Mahigpit na pinabulaanan ni Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech) Director Dr. Baldwin G. Jallorin sa Senado na nagkaroon ng katiwalian at overpricing sa pagbili ng four-wheeled farm tractors na ipinamigay sa ilang farmers cooperatives at asosasyon sa iba’t ibang panig ng pamahalaan.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on agriculture na pinamumunuan ni Senador Cynthia Villar hinggil sa status ng implementasyon ng Rice Competitive Enhancement Fund (RCEF) sa ilalim ng Rice Tariffication Law, sinabi ni Jallorin na walang katiwalin at overpricings sa Authorized Budget for the Contract (ABC) ng traktora.

“Walang overpricing, walang corruption, walang irregularities at sumunod lang and PHilMech sa batas ng implementasyon ng programa,”, ayon kay Jallorina.

Binigyan diin opisyal na dumaan ang PHilMech sa tamang proseso ng pagbili- mula sa market research, sa invitation to bid hanggang sa pagbubukas ng bids.

Bukod dito, sinabi pa ni Jallorin na naging bukas sa publiko at naka-live streaming sa PHilMech Facebook page ang mga bidding.

Naging tampok sa balita ang programang ito ng PhilMech nang madiskubre ang umano’y iregularidad, kabilang ang overpricing, sa pagbili ng 1,346 units ng farm tractors.

Naiulat din na pinatigil ni Dr. Dionisio Alvindia, kapalit ni Jallorina, ang pagbabayad sa mga tractor nang makita niyang tumaas ng P98,000 ang presyo ng isang tractor na may aapproved contract price na P1.2 million

Aabot sa sa P1.747 billion ang kabuuang halaga ng 1,346 tractors na may presyong P1.298 million kada isa.

Subalit nilinaw din ni Alvindia na walang problema sa P1.3 million per unit ng tractor dahil ang karagdagang P98,000 ay para sa pagbili ng ‘hydraulic ports’.

“Adjustment in the technical specifications were recommended by the Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering (BAFE) as this would allow tractor-mounted auxiliaries to maximize the tractors’ range of use,” ani Alvindia.

Sa press conference noong September 9, 2022, binawi ni Alvindia ang kanyang naunang pahayag kaugnay sa iregularidad at iginiit na walang overprice at korapsyon sa pagpapatupad ng PhilMech Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) mechanization program.

Ayon kay Alvindia, na umupong PhilMech director noong nakaraang Marso 2022, mahigpit na sinunod ang batas sa pagbili ng tractors sa ilalim ng RCEF mechanization program.

Sa naturang pagdinig, tinukoy ni Villar na intensiyon ng ng RA 11203 o Rice Tarification Law (RTL) na bigyan ng mandato ang PHilMech at hindi ang Department of Agriculture (DA) na maging ‘procuring entity’ sa mechanization component ng RA 11203.

“As such, the PhilMech Director is designated under the law as the “Head of the Procuring Entity” and, thus entitled to all the powers given to the Head of the Procuring Entity (HOPE) under the procurement law.”

“We, however, are not alone in this interpretation,Jallorina sought the guidance and the Legal Opinion of the Solicitor General which rules that as a procuring entity, PhilMech’s agency head shall be its HOPE,” dagdag pa ni Villar.

Bukod sa pamimigay ng tractors sa ilalim ng liderato ni Jallorina, na-liberalize rin ng RTL ang pagpasok ng bigas sa bansa. Ang tariff proceeds ay nasa ilalim ng RCEF, kabilang ang pinakamalaking bulto ng taunang P5 billion na para sa farm equipment and machinery.

Sa ilalim pa rin ni Jallorina, naabot ng PhilMech ang 82.75% ng kanilang target para sa FCAs.

Natulungan nito ang may 1.35 million farmer-members ng 5,314 FCAs at local government units (LGUs) sa loob lamang ng tatlong taon- 2019 to 2021. Ernie Reyes