Overseas absentee voting sa iba’t ibang panig ng mundo, umarangkada na

Overseas absentee voting sa iba’t ibang panig ng mundo, umarangkada na

April 12, 2022 @ 11:43 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Umarangkada na ang Overseas absentee voting sa ibat-ibang embahada at consulate para sa mga Filipino abroad.

Sa isang tweet, ipinakita ng Philippine Mission to the United Nations at iba pang internasyonal na organisasyon sa Geneva ang larawan nina Permanent Representatives Evan Garcia at Manuel Teehankee na nagsumite ng kanilang mga balota upang simulan ang pagboto sa ibang bansa.

Ang dalawa ay bumoto sa Philippine Consulate General sa Geneva.

Samantala, ang Embahada ng Pilipinas sa Egypt ay nakatanggap na rin ng unang balota mula sa isang absentee voter at patuloy na tatanggap ng absentee ballots hanggang Mayo 9.

“The voting period will be every day (including weekends) from 10 April 2022 to 09 May 2022, 8 a.m. to 4 p.m. except for the last day 09 May when overseas voting ends at 1 p.m.,” ayon sa  embassy sa tweet.

Nakatakda ring magsagawa ng overseas voting mission ang parehong embahada sa Khartoum, Sudan mula Abril 19 hanggang 21.

Inihayag din ng Embahada ng Pilipinas sa Singapore na nagsimula na ang pagboto sa ibang bansa para sa 2022 national elections.

“To make the voting faster, more convenient, and safer for all kababayans who are registered voters in Singapore, the Philippine Embassy is happy to announce the launch of an online pre-verification system that they can avail of during the 30-day voting period,” pahayag ng embahada sa  Facebook post.

Available ang online verification system sa  bit.ly/SGPE_Halalan2022.

Sa kabilang banda, sinabi ni New York Consul General Elmer Cato na dumating na sa Memphis, Tennessee mula sa Alaska ang mga kahon na naglalaman ng mga election paraphernalia.

“@PHinNewYork is hoping said shipment will be delivered as soon as possible so that it could start the overseas voting process,” sabi ni Cato sa tweet.

Sa isa pang tweet, sinabi ni Philippine Ambassador to New Zealand Gary Domingo na dumating na sa Philippine Embassy sa Wellington ang mga kahon na naglalaman ng mga balota para sa halalan.

Nagsimula ang overseas absentee voting noong Abril 10 at magtatapos sa araw ng halalan, Mayo 9 — na nagpapahintulot sa mga overseas Filipino na bumoto para sa isang presidente, bise presidente, 12 senador, at isang party-list group. Jocelyn Tabangcura-Domenden