Overseas voter turnout ng Comelec nasa 23% na

Overseas voter turnout ng Comelec nasa 23% na

May 5, 2022 @ 7:09 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasa higit 380,000 na mga Pilipino sa abroad ang nakaboto na ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ito ay 23% na partial turnout ng kabuuang 1,697,130 overseas voters na inaasahang boboto hanggang sa Mayo 9.

Magtatandaang nagsimla ang overseas voting noong Abril 10.

“Sa overseas voting maganda po yung turnout natin,” saad ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo.

“With this trend malamang malalampasan natin yung 2016 voting turnout which is 32%. Dito nasa 23% na tayo and hindi pa accurate kumpleto yung data natin,” dagdag niya.

Samantala, 56,550 ang mga Pinoy na bumoto sa Amerika; 139,041 sa Asia Pacific; 41,719 sa Europe; at 148,127 sa Middle East at Africa.

Ayon kay Casquejo, nakatuloy ang “vote anywhere” at field voting concepts ng Comelec para mapaganda ang overseas voter turnout ngayong halalan.

Sa ilalim ng konseptong “vote anywhere,” pinapayagan pa ring makaboto ang mga Pilipino sa kinaroroonan niyang bansa kahit hindi siya doon rehistrado.

Habang sa field voting naman, ang mga staff mismo ng konsulada at embahada ang nagtutungo sa tinitirhan ng mga Pilipino para doon magsagawa ng botohan. RNT/ JCM