Overseas voting capacity sa HK, dodoblehin

Overseas voting capacity sa HK, dodoblehin

April 12, 2022 @ 11:17 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nangako ang Commission on Elections na doblehin ang voting capacity sa Hong Kong ngayong linggo matapos mabigong bumoto ang ilang overseas Filipino worker doon dahil sa limitadong kapasidad sa unang araw ng overseas voting noong Linggo.

Ayon kay Comelec Commissioner Marlon Casquejo, dodoblehin ang vote counting machines upang ma-accommodate ang hanggang 5,000 overseas absentee voters kada araw.

Aniya hindi lamang lima ang VCM kundi magiging 10 na upang ma-cater ang pagdagsa ng mga botanteng overseas lalo na holiday at weekends.

“By tomorrow or Wednesday, not only 5 ang VCM, magiging 10 na po. That is to cater to the influx of our overseas voters lalo na holidays and weekends,” ayon kay Casquejo

Hinikayat naman ni Consul General Raly Tejada ang mga employers na payagan ang mga OFW na makaboto.

Sa unang araw ng OAV, nasa 3,000 lamang ang bumoto  dahil  sa kahilingan ng HK police dahil na rin sa paglabag sa  physical distancing sa gitna na rin ng pakikipaglaban sa surge ng mas nakakahawang Omicron variant.

Nasa 93,000 OFW sa Hong Kong ang mga rehistradong botante. Jocelyn Tabangcura-Domenden