‘Oversupply’: Mga gulay mula Ifugao, Benguet, nasasayang lang sa gitna ng Luzon lockdown

‘Oversupply’: Mga gulay mula Ifugao, Benguet, nasasayang lang sa gitna ng Luzon lockdown

March 26, 2020 @ 4:33 PM 6 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines — Nasasayang lang at hindi na napapakinabangan ang mala-truck na dami ng mga carrots sa Tinoc, Ifugao dahil sa  “oversupply” sa gitna ng enhanced community quarantine sa Luzon.

 

Samantala, ganito rin ang sitwasyon sa Buguias, Benguet kung saan itinatapon lang ang mga gulay dahil sa mahinang benta sa mga trading posts sa La Trinidad.

 

“Dahil sa banta ng COVID-19, kaya hindi mabenta ang lahat ng gulay na dinadala ng mga magsasaka. Ngayon, ganito ang kinalabasan, nasira, basura na,” ayon sa magsasakang si Brent Mariano.

 

Ayon sa impormasyon mula kay La Trinidad Mayor Romeo Salda, sinabi sa ulat na tumaas ang presyon sa pagdadalawang-isip ng mga nagde-deliver na dalhin sa Metro Manila ang mga gulay dahil sa COVID-19.

 

Aniya, nakaka-encounter din umano ang mga truck ng mga mahahabang pila at checkpoints.

 

Sa halip na itapon lamang ang mga gulay, nakikiusap ang mga magsasaka na bilhin na lamang ng mga LGUs ang kanilang mga stock.

 

Iminungkahi ni Mariano na maaaring ipamahagi ang mga gulay sa mga pamilyang apektado ang kabuhayan dahil sa Luzon-wide enhanced community quarantine.

 

“Sa mga nagbibigay ng relief goods, maganda ‘yung mga gulay. Bilhin niyo na lang para ito ang ipamigay sa mga naka-quarantine na mga tao,” aniya.

 

“Masustansya na, nakatulong pa kayo sa aming mga farmers,” dagdag pa nito. Remate News Team/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...