Oversupply ng bawang, repolyo isinisi ng DA sa mga magsasaka

Oversupply ng bawang, repolyo isinisi ng DA sa mga magsasaka

September 8, 2022 @ 4:52 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Mistulang sinisi pa ng Department of Agriculture ang mga magsasaka ng bawang at repolyo dahil sa oversupply nito.

Sinabi kasi ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban na tanim nang tanim ang mga magsasaka ng bawang at repolyo nang hindi iniintindi ang merkado para sa kanilang ani.

“They plant crops but they don’t think about the market for their harvests,” anang kalihim ukol sa isyu ng oversupply ng bawang sa Batanes at repolyo naman sa Benguet.

“The situation in Batanes, the farmers plant their regular crop during this season but they don’t think about whether they have a market to sell it to. “It’s the same in Benguet. They plant their regular crops but they don’t think about what is happening in the markets,” dagdag pa ng DA official.

Sinabi naman ni Domingo na para matugunan ang pag-aalalang ito, tutulong sila sa mga magsasaka na magtanim ng iba pang mga pananim bilang kapalit ng kanilang mga regular na pananim upang tumugma sa kasalukuyang pangangailangan ng pamilihan.

“What we’re going to do is give them a product that will substitute for the crop they are planting for this season so they are not at the mercy of middlemen,” aniya.

Palalakasin din ng DA ang value acts system approach para matiyak na ang mga magsasaka ay may mamimili ng kanilang mga pananim. RNT