Oversupply sa manok ibinabala ng grupo ng local chicken producers

Oversupply sa manok ibinabala ng grupo ng local chicken producers

September 10, 2022 @ 3:38 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang grupo ng mga local chicken producers na posibleng magkaroon ng oversupply sa mga poultry products katulad ng manok.

Ito ay dahil umano sa malakihang volume ng mga imported na manok na paparating sa bansa.

Ayon kay United Broilers Raisers Association chairman Gregorio San Diego Jr., bagsak na ang farm gate prices nila sa ngayon.

Dagdag pa niya, ang dress chicken ay naglalaro sa P150 hanggang P200 kada kilo at samantalang ang farm gate nila ay nasa P106 hanggang P110 na lamang.

“At that price, we are no longer making money,” aniya.

Mababa rin umano ang demand sa manok ngayong buwan at hindi na rin masyadong nakakabenta ang mga tindahan ng litson manok.

Nakipagpulong na ang grupo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang pag-usapan ang isyu ng importation at smuggling na pumapatay umano sa lokal na industriya. RNT/JGC