OVP handa kapag ginisa ng Senado sa proposed budget

OVP handa kapag ginisa ng Senado sa proposed budget

September 23, 2022 @ 7:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Naghahanda na ang Office of the Vice President na idepensa ang kanilang proposed 2023 budget sa Senado.

Ito ang sinabi ng tapagsalita ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Reynold Munsayac ngayong araw, Setyembre 23.

“Nagpapasalamat po tayo sa ating budget sponsors at sa mga miyembro ng House of Representatives sa mabilis na pagpasa ng budget ng OVP,” ani Munsayac sa isang statement.

Nakatakdang ipagtanggol ng OVP ang naaprubahang badyet nito sa Senado sa Setyembre 29.

“Inaasahan po natin na magtatanong din ang ating mga senador ukol sa ilang provisions sa OVP budget pero handa naman po tayo ipaliwanag mabuti ang lahat ng mga ito,” paliwanag pa niya.

Kung babalikan, ang OVP ay mayroong proposed budget na P2.3 bilyon para sa Projects, Programs and Activities (PPA) sa social services at livelihood programs.

Matatandaang pinausad na agad sa plenaryo at appropriations committee level ang panukalang badyet ng OVP bilang respeto dito. RNT/JGC