OVP ililipat sa Mandaluyong

OVP ililipat sa Mandaluyong

July 7, 2022 @ 11:17 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hindi nasa Quezon City Reception House sa New Manila mamamalagi si Vice President Sara Duterte, ayon sa isang source.

Ililipat umano ang tanggapan ni Duterte na Office of the Vice President sa isang lugar sa Mandaluyong City, isang lokasyon na mas malapit sa Department of Education kung saan siya ang kalihim.

Nakipagpulong ang kalihim ng edukasyon sa mga opisyal ng DepEd noong Miyerkules at tinalakay ang budget ng departamento para sa 2022 at ang mga panukalang alokasyon para sa susunod na taon.

Ang DepEd ang may pinakamalaking pondo sa 2022 national budget, at may pinakamaraming empleyado na may higit sa isang milyon.

Samantala, sinabi ni Attorney Reynold Munsayac, tagapagsalita ni Duterte, na nagsimula ang OVP na magbigay ng mga serbisyong panlipunan, kabilang ang tulong medikal at burial, sa pamamagitan ng mga satellite office nito. RNT