OVP MAY HANDOG NA TULONG MEDIKAL AT LIBING SA MGA NANGANGAILANGAN

OVP MAY HANDOG NA TULONG MEDIKAL AT LIBING SA MGA NANGANGAILANGAN

July 8, 2022 @ 2:45 PM 1 month ago


NAGSIMULA nang magkaloob ng serbisyo ang Office of the Vice President isang Linggo matapos pormal na humalili sa Duterte administration.

Sa pamamagitan ng mga itinayong satellite offices ay nakapaghahatid na ito ng tulong para sa medical services at burial assistance.

Hangad ni Vice President Sara Duterte-Carpio na maabot ang higit na maraming mamamayan kaya maglalagay siya ng satellite offices sa maraming panig ng bansa.

Para makakuha ng tulong, narito ang tamang proseso

  1. Sagutin ang application form;

  2. Dalhin ang supporting documents;

  3. Maghintay sa prosesong isasagawa; at

  4. Sasabihan kung saan at kailan makukuha ang assistance

Sa kasalukuyan, may OVP na sa

  1. Dagupan city, Pangasinan;

  2. Cebu city;

  3. Tacloban city, Leyte;

  4. Zamboanga city;

  5. Davao city; at

  6. Tandag city, Surigao del Sur

Ang Pangalawang Pangulo ay siya ring DEPED o Department of Education secretary sa ilalim ng BBM administration.                                                 –ooOoo-

DBP SUPORTADO ANG MODERNISASYON NG MARINA

LUMAGDA sa isang Memorandum of Agreement ang MARINA o Maritime Industry Authority at ang Development Bank of the Philippines para sa pagbuo ng isang financial package para sa mga nasa shipping industry.

Sina MARINA deputy administrator for operations Nanette Villamor-Dinopol at DBP president / chief executive officer Emmanuel Herbosa ang mga lumagda sa MOA para sa kani-kanilang mga ahensya.

Nakapaloob dito ang paglalaan ng DBP ng pondo para sa modernization push ng MARINA na tinawag na MIDP o ang Maritime Industry Development Plan na isang ten-year blueprint para sa pagpapaunlad ng domestic shippers.

Magdaragdag din ang DBP ng credit lines sa maritime stakeholders’ para sa mga programa nitong naaayon sa MIDP.

Mangangailangan ang MARINA ng kabuuang P94.57 billion para sa modernisasyon nito mula 2019 hanggang 2028 para sa –

  • Pagpapaunlad ng Global Maritime Hub, may pondong P45.73 billion pesos;

  • Upgrading ng domestic shipping, Php 45.16 billion;

  • Pagtatayo ng coastal and inland waterways transport system, Php 2.64 billion; at

  • Pagkakaroon ng Maritime Innovation and Knowledge Center, pagpapalawak ng kaalaman ukol sa maritime safety, at pagpapaunlad sa maritime tourism na nangangailangan ng pondong Php1.04 billion.

Base sa MIDP, 92% ng pondong kakailanganin ay dapat na magmula sa pribadong sektor sa pamamagitan ng direct investment o kaya ay loan contracts katulad sa DBP, habang ang 8% ay sasagutin ng pamahalaan sa pamamagitan ng budget approptiation o anumang offshore grant.

Ang DBP ang siyang ikalimang pinakamalaking bangko sa Pilipinas na naka-pokus ang credit support sa infrastructure and logistics; micro, small and medium enterprises; environment; at social services and community development.