OVP nagsagawa ng relief ops sa Paeng-hit areas

OVP nagsagawa ng relief ops sa Paeng-hit areas

November 5, 2022 @ 1:42 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Naglunsad ang Office of the Vice President’s Disaster Operations Center (OVP-DOC) nitong Biyernes ng relief operations sa iba’t ibang Typhoon Paeng-affected areas sa bansa.

Inihayag ng OVP-DOC na nakipagtulungan ito sa Philippine Coast Guard (PCG) at sa local government units upang magdala ng mga sako ng bigas, relief goods, bottled water, at mga damit sa mga apektadong lugar sa Cavite, Maguindanao, Antique, Leyte, Zamboanga City, at Cotabato City.

Nakilahok din ang volunteers mula sa Inday Sara Duterte Ako (ISDA) movement sa relief operations.

“In behalf of the people of Bacoor, Cavite, nagpapasalamat po kami kay Vice President Sara sa kanyang naitulong. Alam kong marami silang tinutulungan at natutulungan ngayon,” ani Bacoor City Mayor Strike Revilla.

“Nagpapasalamat po kami sa inyo, ma’am, sa pagtulong sa ating kababayan. Umasa po kayo, ma’am, na nandito lang po kami kapag kailangan niyo po kami,” dagdag niya.

Naiulat ng Bacoor City Social Welfare and Development Office na 69 sa 73 barangay nito, na may 99,157 pamilya ang labis na apekatado ng bagyp. RNT/SA