OVP target magtayo ng permanenteng opisina para kay Duterte, successors – spox

OVP target magtayo ng permanenteng opisina para kay Duterte, successors – spox

July 27, 2022 @ 6:36 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Target ng Office of the Vice President (OVP) na magtayo ng “permanent home and office” para kay Vice President Sara Duterte at kanyang mga successor, ayon sa tagapagsalita nito ngayong Miyerkules.

Sinabi ni Atty. Reynold Munsayac na amgreresulta ito sa stability at makababawas sa operating costs ng OVP.

“The OVP aims to establish and construct a permanent home and office for the succeeding vice presidents and the OVP personnel. This will result in stability and reduce cost in office operations, considering that future vice presidents will no longer need to rent temporary office to house their staff,” pahayag niya.

“OVP employees will not be uprooted every time a new vice president is elected. This will enhance efficiency and deliver social services to the people,” dagdag ng tagapagsalita.

Nauna nang sinabi ni Duterte na ang permanenteng residence para sa OVP ay ang “singular legacy” na nais niyang maiwan pagkatapos ng termino.

Magugunitang nanatili si dating Vice President Leni Robredo sa Quezon City Reception House habang ang opisina naman ni dating Vice President Jejomar Binay ay sa Coconut Palace.

Matatandaan ding sinabi ni Munsayac na ililipat ang kasalukuyang OVP sa headquarters sa Mandaluyong City kung saan kasya lahat ng co-term, casual, at permanent employees.

Inanunsyo niya ito matapos magsagawa ng inspeksyon at human resource inventory sa Quezon City Reception House. Sinabi naman niya kalaunan na napagdesisyunan ng OVP na humanap ng ibang lokasyon na pasok sa lahat ng kanilang rekisitos. RNT/SA