Ozamis RTC judge, patay sa pananambang

Ozamis RTC judge, patay sa pananambang

October 8, 2018 @ 7:09 PM 4 years ago


 

Ozamis City – Patay sa pananambang ang hukom ng Regional Trial Court ng Ozamis City na si Hon. Edmundo P. Pintac habang pauwi ito mula sa trabaho.

Kinumpirma ito kanina ni Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro sa inilabas na press statement ngayong hapon.

“The Court is deeply saddened with the news that the executive judge of the Regional Trial Court of Ozamiz City, Hon. Edmundo P. Pintac, was shot to death on his way home today,” aniya.

Si Pintac ay 15 taon nang naninilbihan bilang RTC judge na humahawak sa iba’t ibang kasong may kaugnayan sa droga kasama na ang kaso laban kina Nova Princess Parojinog at Reynaldo Parojinog Jr,na naaresto noong nakaraang taon.

Agad namang pinag-utos ni CJ De Castro sa Philippine National Police na gawin ang lahat para mahuli ang suspek sa likod ng pananambang sa naturang hukom.

“I’m calling on the Philippine National Police to exert all means and efforts to apprehend the perpetrators at the soonest possible time. I have also instructed the court administrator to coordinate with all law enforcement officers to bring to justice those responsible for this crime,” pahayag ni De Castro.

“Our prayers and sympathies go out to the family of Judge Pintac. May they find strength in this moment of grief,” dagdag pa nito. (Remate News Team)

Photo courtesy: Wendell P. Talibong Ssvp Facebook