P.2M isinoli ng airline workers sa Roxas Airport

P.2M isinoli ng airline workers sa Roxas Airport

March 12, 2023 @ 10:55 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – TUMATAGINTING na P.2 milyon cash ang isinoli ng dalawang empleyado ng isang kilalang airline company na naiwan ng isang pasahero sa Roxas City Airport sa lalawigan ng Capiz, nitong Sabado.

Nabatid na sakay na ang may-ari sa eroplano patungong Maynila nang madiskubre ang sling bag nito noong Biyernes.

Natagpuan naman ng mga empleyado ng low-cost airline na Cebu Pacific (CEB) na sina Roque Arcenio at Victor Aragon ang nasabing bag at agad na dinala sa Security and Intelligence Service ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Noong araw ding iyon ay itinurn-over ang bag sa kinatawan ng may-ari matapos humingi ng tulong ang CAAP sa Philippine National Police Aviation Security Group.

Ibinahagi naman ng CAAP na isang bagahe din na naglalaman ng mahalagang bagay ang naiwan sa Roxas Airport noong Biyernes at naibalik sa may-ari. Jay Reyes