P.3 variant sa Pinas, ‘di na ‘variant of interest’ – WHO

P.3 variant sa Pinas, ‘di na ‘variant of interest’ – WHO

July 7, 2021 @ 6:40 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Inianunsyo na ng World Health Organization na hindi na variant of interest ang P.3 variant na unang na-detect sa Pilipinas.

Ayon sa anunsyo ay inaalis na ng WHO ang P.3 o Theta variant sa listahan ng “variants of interest,” at ibinalik sa “alerts for further monitoring” matapos na bumaba ang bilang ng kaso nito.

Nasa 269 Theta COVID-19 variant cases lang kasi ang naitala 14 na bansa, ayon sa WHO, kung saan karamihan dito ay sa Central Visayas.

“Reported detections of these variants have decreased over time, suggesting a decline in their respective incidence worldwide, and diminishing public health risks relative to other VOCs (variants of concern) and VOIs (variants of interest),” ayon sa WHO na tinukoy ang VOIs Theta, Epsilon, at Zeta. RNT