P.A., pinagbantaan si Piolo!

P.A., pinagbantaan si Piolo!

January 17, 2023 @ 11:20 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Higit pa sa personal assistant ang turing ni Piolo Pascual sa kanyang PA na si Moi Bien Marcampo.

Kabisado na ni Moi ang likaw ng bituka ng aktor.

After all, they’ve been together for two decades.

Wala ring malisya kung nakikita man ni Moi na lumalabas ng kuwarto si Piolo nang naka-boxer shorts.

Or so Piolo thought.

Nitong January 12 ay nagdiwang ng 46th birthday ang aktor.

Moi didn’t let the day slip by nang hindi niya binabati ang birthday boy.

Pagbati na may halong pagbabanta.

Post kasi ni Moi: “Happy birthday, Papa P. Mula sa kaibuturan ng aking puso, mahal kita.”

Sinundan ito ng “maitim na balak” ni Moi.

Aniya, “Hala, konting panahon na lang, 50 ka na…magiging akin ka na. Bwahahaha. Chos!”

Hindi nga ba’t may kapaniwalaan na, “In every joke, there’s a ting of truth”?

Seryoso kaya si Moi na bet niyang dyowain si Piolo pag single pa rin ito when he reaches 50?

Samantala, sa isang video post ni Moi ay makikitang pinupunasan niya ng pawis ang aktor who just came from a badminton game.

Pati ang buhok kasi ni Piolo got drenched.

Post ni Moi: “Alagaan natin ‘to. Hindi pa rin ako sumusuko!”

If ever, nakakatiyak na si Piolo that he will be taken good care of if he ends up with Moi kung pagsisilbi ang pag-uusapan.

Good thing, hindi pikon si Piolo at sinasakyan lang niya ang trip ng kanyang P.A.

Kung ibang supladong aktor ‘yon, aba, matagal nang sisante si Moi!

Asa ka pa?! Ronnie Carrasco III