P/COL. BAROT ‘LEAVES’ MALABON WITH ‘FLYING COLORS’

P/COL. BAROT ‘LEAVES’ MALABON WITH ‘FLYING COLORS’

November 8, 2022 @ 11:08 AM 3 weeks ago


PAGKATAPOS ng mahigit isang taon na maningning, mabunga at ‘di matatawarang pamamahala sa Malabon City Police Station, ang chief of police nitong si P/Col. Albert “Al” Barot ay nagpaalam sa kanyang mga opisyal at tauhan.

Sa paglisan ni Barot, ‘di maitatago na may mga malulungkot – isa na ang inyong lingkod – dahil mag-iiwan ng alaala ang magaling na pakikisama at kakaibang estilo ng paglilingkod ng opisyal na ito.

At tiyak na ‘di rin mapasipasinungalingan ng Philippine National Police Academy class ’98 na ito na may kurot sa dibdib ang pag-alis niya dahil napamahal na rin sa kanya ang pinaglingkurang lungsod.

Pero sabi nga ni Northern Police District director P/Col. Ponce Rogelio Pe√Īones Jr., ang buhay ng isang pulis ay mahirap dahil kung saan-saang lugar ipinadadala o naaassign upang tuparin ang sinumpaang tungkulin.

Pinalitan si Barot ni P/Col. Amante Daro, miyembro ng PNPA class ’96, sa simpleng turn-over ceremony noong Nobyembre 3 na dinaluhan ni Pe√Īones, NPD officials at chiefs of police ng Caloocan, Navotas at Valenzuela.

Naging super active sa campaign against crime ang Malabon City Police Station sa ilalim ng pamamahala ni Barot kaya naman nakadakip sila ng mga kriminal, drug pushers at users at umabot sa milyong piso ang halaga ng droga na nakumpiska.

Dahil din sa pinaigting na police street visibility at iba pang police anti-crime campaign and programs na isinulong, ang insidente ng kriminalidad o crime rate sa Malabon City ay bumaba, noong panahon ni Barot.

Bunga nito, ang Malabon City Police Station ay naging recipient ng iba’t ibang pagkilala at pagpapahalaga na iginawad ng NPD at maging ng National Capital Region Police Office.

Ang pinakabagong parangal na natanggap ng Malabon Police ay ang manguna sa unit performance evaluation rating sa buwan ng Agosto sa buong CAMANAVA at best police station in barangay drug clearing operations.

Malinaw sa Malabonians na si Barot ay nag-perform “with flying colors” kumbaga ay mahusay ang ginawa niya.
Gayunman, naniniwala naman tayo na kayang tapatan kundi man mahigitan ang achievements ni Barot ng bagong chief of police ng Malabon City Police na si Col. Amante Daro.