P-Duterte, iginiit na ‘istambay’ ang itawag sa mga tambay na lumalabag sa kanyang Anti-Tambay Campaign

P-Duterte, iginiit na ‘istambay’ ang itawag sa mga tambay na lumalabag sa kanyang Anti-Tambay Campaign

June 26, 2018 @ 8:02 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Imbes na ‘violators’ iginiit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ‘istambay’ ang itawag ng kapulisan sa kanilang mga nahuhuling lumalabag sa kanyang kautusan na bahagi ng kanyang anti-tambay campaign.

“Ito ngayon sa istambay, huwag nating ibahin (directing the police). Ang tawag talaga niyan “istambay.” O how do you call them? We call them istambay. That’s the word. That is my order. And you continue to frisk people who are there doon sa dalan (streets) and that is legal. Until such time, that is my order,” ayon sa Pangulo.

Nilinaw ng Pangulo na hindi niya kailanman ipinag-utos na arestuhin ang mga tambay kundi kapkapan lamang aniya ang ito.

Ang mga menor de edad naman na makikita na palaboy sa lansangan ay agad na dadalhin sa kustodiya ng DSWD para sa proteksyon ng mga ito at hindi pag-aresto.

Matitigil lamang ang lahat ng ito o ang kanyang anti-tambay campaign kung ipagu-utos ng Korte Suprema.

“The President can order, the mayor can order, the barangay can order — can issue regulations to protect public health, public  safety, public order, and to protect the general welfare of the people,”aniya pa rin.

Kaugnay nito, hinikayat naman niya ang mga Punong Barangay na makiisa sa kanyang kampanya.

Katungkulan aniya ng mga ito na protektahan ang kapakanan ng kanilang nasasakupan mula sa panganib na dala ng mga “tambays” o street loiterers.

“Kayong mga barangay captain, do what is your duty. You are more than just a policeman because you are mayors. You are the governors and the president of your barangay. You have to protect the people, kayong mga barangay captains, and you must see to it that the nation is preserved,”anito.  (Kris Jose)